Nanaksak sa UST student tukoy na

TUKOY na ng Manila Police District (MPD) ang babaeng nursing student ng Far Eastern University (FEU) na umano’y nanaksak sa estudyante ng University of Santo Tomas (UST).

Ayon kay MPD District Director na si Chief Superintendent Alex Gutierrez, nakilala ang suspek na si Cristina Acosta, 4th year nursing student ng FEU.

Nabatid na kakasuhan umano ng attempted homicide si Acosta dahil sa pananaksak at tangkang pagpatay sa biktimang si Lourdes Reyes, isang IT student ng UST.

Bagamat may anggulong sorority war ang motibo ng pananaksak ay patuloy pa rin ang imbestiagsyon ng pulisya sa insidente.

Si Reyes ay kasalukuyan pa ring nasa Chinese General Hospital at nagpapagaling.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply