Nanay utas, anak sugatan sa ambush sa Caloocan

DEAD on arrival ang isang ginang habang sugatan ang anak nito makaraang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay 162, Sta. Quiteria, Caloocan City kagabi (Oktubre 5).

Nabatid na tinambangan ng mga suspek ang biktimang si Marites Go kasama ang kanyang anak na lalaki na hindi pinangalanan na pauwi na sa kanilang bahay galing opisina sa Tullahan Road.

Nadaplisan lamang ng bala ang anak ng ginang na siyam na taong gulang.

Base sa salaysay ni Arthur, kapatid ng biktima, wala silang nalalaman na kaaway ng biktima ngunit mayroon na silang suspetsa kung sino ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply