Napolcom nakakasa na sa bagong opisina

KINUMPIRMA na ng National Police Commission (NAPOLCOM) na tuloy na tuloy na ang paglipat ng kanilang opisina sa Quezon City sa ika-30 ng Nobyembre.

Nilinaw ni Napolcom Vice-chairman at executive officer Eduardo Escueta, na nagkasundo na sila ng mga kawani ng komisyon kaugnay sa napipintong paglilipat ng kanilang tanggapan.

Ayon pa kay Escueta, pauupahan nila ang una hanggang ikatlong palapag ng lumang gusali sa Makati City habang ookupahin naman ng Napolcom-NCR ang ikaapat hanggang ikaanim na palapag ng building.

Samantala, kasama ng Napolcom ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na lilipat sa bagong tayong 27-palapag na gusali sa panulukan ng Quezon Avenue at EDSA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply