Nationwide plan ng PNP sa 2013 polls ikinakasa na

INIHAHANDA na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang nationwide plan para sa darating na 2013 midterm elections.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, ang operational plan ng PNP ay upang matiyak na magiging mapayapa ang naturang halalan.

Sinabi ni Roxas na bagama’t pitong buwan pa bago ang eleksyon, isinasapinal na ng PNP ang pagbuo sa isang operation plan.

Kabilang sa plano ang pagsasama-samahin ang mga election-related information mula national hanggang municipal levels.

Halimbawa na rito ang pagbibigay ng PNP-Firearms Explosives Office ng kumpletong listahan ng mga registered firearms holder sa mga provincial police office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply