Natira at hinating sibuyas maaaring makalason

ANG article na ibinabahagi ng inyong lingkod ay mula sa Facebook friends. Ako’y nagulat sa nabasa ko na may magandang epekto pala ang sibuyas bumbay.

Ayon sa mga pag – aaral ang sibuyas ay nakagagaling ng sakit na flu. Kapag hinati mo sa magkabilang dulo ang sibuyas at inilagay mo sa isang lalagyan sa tabi ng kama ng isang maysakit o pasyente, ito ay sumisipsip ng bacteria galing sa Maysakit. Kaya kapag nakita mo itong nangitim ang kulay ibig sabihin maraming bacteria na ang nasipsip nito.

Nagiging lason naman ang sibuyas kapag ang tira at hinating sibuyas ay hindi agad nagamit. Gaya nga ng tinuran sa bandang itaas, sumasagap ito ng bacteria sa paligid, kaya ‘di marapat na hahayaang nakatiwangwang ito kahit sa loob pa ng refrigerator dahil sumisipsip nga ito ng bacteria na nagiging dahilan upang ang tira – tirahang sibuyas ay makalason.

Palaging tandaan na mapanganib na hatiin ang sibuyas at pagkatapos ay hindi kaagad na gagamitin, bagkus ay kinabukasan pa. Ang kalalabasan ay magiging highly poisonous ito at magdudulot ng pagkalason sa tao. Magiging sanhi din ito ng pagkakaroon ng toxic bacteria na magiging dahilan ng impeksyon sa tiyan dahil sa labis na bile secretion at food poisoning.

Sinasabi rin na ang mga aso ay ‘di – dapat makakain ng sibuyas, sapagkat di – kayang imetabolize ng kanilang bituka ang mga ito.

Kapag maysakit ang kasama ninyo sa bahay, subukan ang sibuyas bumbay ilagay sa tabi ng kama nya. Kapag nangitim na ang sibuyas bumbay, maganda senyales dahil nasipsip ang mga bacteria ng maysakit.

Kung kayo’y gumagamit ng sibuyas bumbay sa pagluluto, siguraduhin lutuin ang buong sibuyas at huwag na ibalik sa refrigerator ang natirang portion.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply