Natrauma sa walang habas na panglalait ng mga tinigok na stylists!

NATU-trauma raw lately ang isang mahaderang stage mother dahil maraming hate calls siyang natatanggap na talaga namang nagiging dahilan ng pagtaas ng kanyang blood pressure. Hahahahaha!

Pa’no kasi, may pagkagahaman. Hayan at sandamakmak na ang investments at umaatikabo na ang kadatungan sa bangko pero insatiable pa rin at wala nang ibang ginawa kundi harangin ang kaligayahan ng bread winner niyang anak na bente kwartro na pero kung ituring niya’y para bang dose anyos palang na minamandohan at pinangungunahan ang kaligayahan nito sa lahat ng bagay, her lovelife in particular.

Kaya lately, biglang pinalayas ang mga stylists ng anak dahil natuklasan raw ng mahaderang mudra na ang mga ito raw ang ‘bugaw’ ng kanyang anak o tulay roon sa aktor na kinasusuklaman ng mukhang andalung madir. Hahahahahahaha!

Jesus H. Christ! what does she want? Lahat naman ay sinusunod ng kanyang anak, pati ba naman konting kaligayahan nito, ipagkakait pa niya?

My God! If that’s not gluttony, I don’t know what is!

Lahat naman ng earnings ng kanyang anak ay hinahawakan niya.

Lahat ng moves nito ay alam niya. Abnormal nga ang growth ng kanyang anak dahil para siyang nasa hawlang ginto.

Ang kaso, parang walang keber at pakialam sa feelings ng kanyang anak itong datung-oriented na si mudra dahil ang kanyang priority ay ang kanyang kayamanan. Hahahahahaha!

Yuck!yuck!yuck!

Sobra! Ang tindi-tindi mo, madir!

Have a heart. Kahabagan mo ang anak mo na nagpapakapagod sa katatrabaho pero ang konting kaligayahan niya’y hinahadlangan mo pa. Over!

Para bang hindi na nagdaan sa ganyan.

Anyway, nang mapadaan kami sa studio the other day kung saan ginaganap ang live musical-variety program ng kanyang anak, nagulat talaga kami dahil tahimik na tahimik ang lugar.

Wala ang mga security men na in charge sa pangangalaga ng kanyang anak, and all was quiet within the studio’s perimeter.  Why is that so? Hahahahaha!

Syokoters si Mudra na baka lusubin ng working press ang kanyang anakis kaya for the very first time ay nag-tape ang show. Hahahahahahahahahaha!

Hay, naku! tigilan na kasi ang mala-Hitler stance at hayaan namang lumigaya, for once, ang iyong anak.

Nagkakaedad na siya, madir. Ilang tulugan na lang at 30 na siya, when are you going to give her the freedom that she deserves? Kung llebo tres na siya at tiguwang na? Have a heart.

Bigyan mo naman ng konting breathing space ang anak mo para magkaroon naman siya ng konting happiness.

After all, she’s hardworking and has always been a good daughter to you.

‘Yun lang!

***

Bow lahat ng nakasama ni Mario sa Suddenly It’s Magic

THREE weeks na nag-shoot ang grupo ni Direk Rory Quintos sa Laoag, La Union. Sitio Remedios in particular, na equivalent ng Tagaytay rito sa atin, and within that span of time, the famed director was able to discover how good-natured and cooperative Mario Maurer is.

“He’s such a nice boy!” openly raves direk Rory. “Napakabait na bata at magaling makisama sa mga crew.”

Game na game rin daw ito kapag nagkakasayahan ang grupo.

Minsan nga raw biglang nag-join ito sa kanila at walang kiyemeng sumalampak sa karton na inuupuan nila.

Akala raw nila noong una ay magpapaka-detached-detached ito, ‘yun pala pwede ring balahurain paminsan-minsan.

Napakasarap raw talagang katrabaho ng Thai actor, kayang-kaya nitong sakyan ang paiba-ibang mood ng kanyang mga katrabaho.

Para kay Dinky Doo, lagi raw nagpa-flashback sa kanya ang late teenage actor na si Rico Yan when he’s in the company of the Thai actor. “Kung seryoso ka, seryoso rin siya. Kung kengkoy, kengkoy rin siya,” he avers.

As for Erich, it was so fun working with Mario raw talaga.

“He’s playful and naughty and younger than 24,” she intimates. “Parang mga 16 lang siya when you start working with him na. And mabango pa siya.”

O, di ba naman?

Gwaping na at sariwa, super bango pa. Wala ka na talagang hahanapin pa.

Kaya naman daw naka-relate talaga kay Mario ang mga co-stars niyang Pinoy ay dahil sa by nature,
“Filipinos love to have fun!” opines Direk Rory. “Kahit problematic na, masaya pa rin.

“He’s Thai but very Filipino in some ways.”

Oo nga naman.

Mapanonood na nga pala sa mga sinehan nationwide ang Suddenly It’s Magic on October 31.

***

Late bloomer?

HE is hunky but somehow you could sense that there’s something unexplainably girlish in him.

‘Yan daw siguro ang dahilan kung bakit hindi siya naging successful sa kanyang marriage and with the other women in his life. Somehow, parang lagi na’y may kulang kaya paiba-iba siya ng karelasyon.

But now that he’s kind of mature, maybe he’s come to realize what it is that he’s hankering for all these years. Hahahahahaha!

How amusing. Yesterday’s trade has become today’s competition. Hahahaha!

At ang shocking, bagets na bagets ang kanyang supposed kulukadids. Hakhakhakhakhak!

No more clues! Hahahaha!

***

Malayo na ang narating ni Gani Oro!
    
NAG-file na rin ng kanyang certificate of candidacy sa Comelec ang batikang brodkaster na si Gani Oro para sa pagka-kongresista ng Lunsod Quezon.

Tinanggap na ni Gani ang kahilingan ng kanyang mga ka-lugar sa Novaliches para katawanin sila sa kongreso sa darating na mid-term election sa Mayo 2013.

Bilang isang tunay na Novalenyo, tatakbo si Oro sa bagong tatag na 5th District na binubuo ng 14 na barangay mula sa hinating 2nd District ng Kyusi.

Nakilala si Gani bilang Mr. Aksyon Oro Mismo dahil sa kanyang mabilis na pag-aksyon sa mga problemang idinudulog sa kanyang programa sa DZBB ng GMA Networks. Kamakailan ay ginawaran ito ng Catholic Mass Media Awards for Best Public Service Radio Program.

Mahigit 25 taon na rin si Gani sa larangan ng public service bilang isang mediaman. Nagsimula siya noong 1987 bilang Radyo Patrol ng DZMM ABS-CBN, hanggang maging newscaster sa radyo at telebisyon.

Sa ilalim ng Republic Act # 10170 na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, hinati na sa tatlo ang 2nd District ng Q.C., kaya’t nagkaroon na sila ng 5th at 6th Districts.

Ang nasasakupan ng ika-5 distrito ay ang mga barangay ng Fairview Proper, North Fairview, Lagro, Pasong-Putik, Sta. Lucia, Kaligayahan, Nagkaisang Nayon, Novaliches Proper, Santa Monica, Capri, San Agustin, Gulod, San Bar -tolome at Bagbag.

“Pagmamahal at pagmamalasakit sa mga kapwa ko mahihirap ang naglakas ng loob sa akin para tanggapin ang alok na ito.

“Ngayon naman ay gusto kong paglingkuran ang aking ka-lugar na matagal nang umaasam ng tunay na pagbabago,” ayon pa kay Oro.

Bilang pangulo ng Kadamay Oramismo Foundation, maraming scholar na anak ng mahihirap na pamilya ay pinaga-aral niya. Ang pondo ng kanyang foundation ay nagmumula sa kanyang mga concerts na siya rin ang producer.

Isang recording artist rin si Gani, siya ang umawit ng kanyang sariling komposisyon na Try Natin sa latest album ng Jay Brothers, kasama sina Renz Verano at Jerome Abalaos.

Hindi na bago sa pandinig ng karamihan ang pangalang Oro sa larangan ng public service. Kilala rin ang kanyang kapatid na si David Oro bilang beteranong brodkaster sa DZMM/ABS-CBN.

May pagkakataon pang pansamantalang tinibag ng magkapatid na Oro ang pader ng kompetensya ng dalawang giant networks nang sabay nilang lutasin ang problema ng mga taong humingi ng tulong sa radyo.

Nagkaroon ng simulcast broadcast ang DZBB ng GMA-7 at DZMM ng ABS-CBN sa programang Aksyon Oro Mismo ni Gani Oro at Aksyon Ngayon nina David Oro at Kaye Dacer para maibalik sa magulang ang kanilang nawawalang mga anak.

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com

and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply