Navy man, ka-live-in, 3 pa timbog sa shabu

ISANG aktibong miyembro ng Philippine Navy ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kabilang ang kanyang live-in partner at tatlong tauhan matapos salakayin ang hinihinalang drug den sa Taguig City noong October 29, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G Cacdac, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Romyr de Torres, alias Romel, enlisted serviceman ng Philippine Navy; at  live-in nitong si Evelyn Labjata, alias Belen. Kapwa residente sa No. 180 Block 6, Zone 3, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.

Kasama ring inaresto ang mga tauhan nito na kinilalang sina Benjie Delos Reyes Alit, 43, Eduardo Matias Labjata, 46 at Randy Quiambao Rili, 26, matapos silang maabutan sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Nauna rito sa pamamagitan ng search warrant naglunsad ng pagsalakay ang magkasanib na puwersa ng PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES) at Naval Intelligence and Security Force (NISF) sa bahay ng magka live in na umanoy ginagamit na drug den kung saan isinasagawa ang pot session.

Nakakumpiska ang mga awtoridad sa loob ng bahay ng may 25 sachets ng methamphetamine hydrochloride, o shabu; 35 strips ng aluminum foil na may mantsa ng shabu ; at ibat-ibang drug paraphernalia.

Dahil dito, ang mag-asawang De Torres at Labjata ay nahaharap sa kasong maintaining a drug den (Section 6), at (Section 11) possession of dangerous drugs, paglabag sa Article II, Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang kinasuhan naman ng paglabag sa  Section 7 (Employee and Visitor of Drug Den) at Section 12 (possession of drug paraphernalia) ng anti-drug sina  Alit, Labjata at Rili.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply