Nawawala ang malalapit na tao kay Sarah dahil kay Gerald?

DAHIL kay Gerald Anderson, pati mga malalapit na tao kay Sarah Geronimo ay nawawala. Katulad ng make-up artist niyang si Jing Monis at stylist na si Eric Pe Benito na natsugi dahil daw sa pagkampi ng dalawa kay Gerald, or something to that effect.

Naimbyerna daw si Mommy Divine kaya hiniling umano nito sa Viva na sipain ang dalawang talipandas.

Ngunit sa presscon ng isang brand ng cellpone, na si Sarah ang bagong endorser, nilinaw nito na nagtatrabaho pa rin sa kanya ang dalawa.

“Misunderstanding at miscommunication lang po ang nangyayari,” sabi ng Pop Princess.

“Sana one day maupuan namin para mapag-usapan po ito. Pero as long as hindi naman po totoo at malinis, clear ang conscience naming pamilya, walang dapat ikabahala,” ayon pa sa dalaga.

“Kailangan lang po na personal na makapag-usap-usap para maayos ‘yung friendship po namin na mayroon po kami,” dugtong pa nito.

Dahil sa pangyayaring ito, ayaw na munang sagutin ng magaling na singer ang anumang bagay na may kinalaman kay Gerald.“Puwede po bang huwag na muna nating pag-usapan ‘yan? Hindi ko na lang po muna masasagot. Basta okey naman po ang lahat,” pakiusap pa ni SG.

***

Thai Superstar Mario maurer, paiibigin ang Pinoy fans

HANDA nang paibigin ng Thai heartthrob na si Mario Maurer ang kanyang Pinoy fans sa nalalapit nang pagpapalabas ng kauna-unahan niyang Thai-Filipino film na “Suddenly It’s Magic,” kung saan kapareha niya ang isa sa pinakamahuhusay na drama princesses ng Pilipinas na si Erich Gonzales. Sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema at direksyon ni Rory B. Quintos, ang nabanggit na pelikula ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa October 31.

Ang “Suddenly It’s Magic” ay isang makabagong feel-good fairy tale tungkol sa isang Thai superstar na si Marcus (ginagampanan ni Mario) na lumipad patungong Pilipinas upang takasan ang magulo niyang buhay-showbiz. Sa ibang bansa, biglang makikilala ni Marcus si Joey (ginagampanan ni Erich), isang Filipina baker na wala nang tiwala sa pag-ibig ngunit magsisilbing rason upang magka-‘magic’ ang buhay ng Thai celebrity.

Si Mario ay kilala sa kanyang Asian fans bilang si Shone sa hit Thai movie na “Crazy Little Thing Called Love.

Mapanonood na ang “Suddenly It’s Magic” sa mga sinehan nationwide sa October 31, 2012. Ipalalabas din ito sa Thailand ngayong taon.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maaari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply