NCRPO nakaalerto pa rin dahil sa travel warning ng 3 bansa

BAGAMA’T kinalma na ng security forces ng gobyerno ang Estados Unidos hinggil sa kaligtasan ng kanilang mga mamamayan sa Pilipinas, nananatili pa rin ang travel warning ng tatlong bansa.

Dahil dito nakaalerto pa rin ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) kaugnay sa inilabas na babala sa kanilang mga kababayan na nasa Pilipinas.

Bukod sa Amerika, naglabas na rin ng travel warning ang Canada at Australia sa pagbiyahe sa Pilipinas.

Ayon sa Department of National Defense (DND), nakasaad sa naturang advisory na pinag-iingat nito ang kanilang mamamayan sa posibleng mga karahasan at banta ng terorismo.

Kaugnay nito, agad na tiniyak ni NCRPO Director C/Supt. Leonardo Espina, na wala silang natatanggap na anumang pagbabanta sa Metro Manila at mga karatig lalawigan, sa kabila ng ipinalabas na warning ng US Embassy.

Ayon kay Espina, all-set na ang mga ipinapatupad na security system ng Philippine National Police (PNP) kaya walang dapat ikaalarma ang publiko.

Inilabas ang nasabing babala ng US sa gitna ng mga protesta laban sa sinasabing anti-Iislam documentary na ginawa ng isang Egyptian-American.

Ang nasabing banta umano sang-ayon sa “reliable security forces” ng US Embassy ay magtatagal hanggang Oktubre 10.

Naunang iniutos ni US Ambassador Harry Thomas, ang pagdaragdag ng seguridad sa lahat ng US government facility sa Maynila partikular na sa Pasay City dahil naroon ang housing facility ng mga US government personnel.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply