NCRPO nakaalerto vs Alferez, Ozamis hold-up groups

NAKATAAS ngayon sa heightened alert ang National Capital Regional Police Command at ang lahat ng distritong nasa ilalim nito dahil sa intelligence reports na magiging aktibo sa mga panahong ito ang mga hold-up groups partikular ang Ozamis gang at ang breakaway group na Alferez gang.

Ayon kay NCRPO director Chief Superintendent Leonardo Espina, naaresto ng kanyang mga tauhan ang di-umanoy lider ng Ozamis robbery gang sa hideout nito sa Noveleta ,Cavite noong Biyernes na si Ricky Cadavero, alias Kambal, na pang -11 na sa mga nasasakoteng miyembro ng Ozamis robbery gang.

Inaresto din ang drayber ng gang na nakilalang si “Randy” sa isa pang pagsalakay sa isang safehouse ng gang sa Bacoor City.  Nauna ng naaresto ng SPD ang tatlong miyembro ng gang sa Lucena City, habang lima ang nalambat sa isang check[point sa Quezon City.

Narekober ng mga pulis sa drayber ng gang ang isang 38 kalibre baril at dalawang .45 calibre pistola, samantalang nakuha naman sa tirahan ni Cadavero ang isang Montero Sports, isang Toyota Innova, at Honda CRV, na hinihinalang gagamitin ng grupo sa mga panghoholdap.

Sumailalim na sa tactical interrogation sa SPD ang mga suspek kung saan napag-alaman ang mga plano ng gang at ang mga kasamahan nito.

Sa kabila ng pagkaka-aresto sa mga suspek ay mas pina-igting pa ng NCRPO ang police visibility sa mga lansangan  at mga pook kung saan matatagpuan ang mga bangko, malls, money changers, at mga pawnshops.

Inatasan na din Espina na magdagdag ng mga SWAT na nakamotorsiklo sa  Metro manila upang mas madaling makagalaw at makapag-react ang mga pulis sa anumang insidente.

Gumagala pa umano ang 15 miyembro ng Alferez gang at iba pang hardcore na miyembro ng Ozamis gang  at anumang oras ay kikilos ang mga ito kaya’t naka-abang ang mga pulis para sugpuin ang mga ito at permanente ng tapusin ang aktibidad ng mga hold-up groups sa Metro manila, dagdag pa ni Espina.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply