NDRRMC: Nokor muling maglulunsad ng rocket sa kalawakan

MULI na namang bubulabugin ng North Korea ang ilang kalapit bansa kabilang na ang Pilipinas sa nakatakda na namang pagpapalipad ng rocket at paglulunsad ng kanilang satellite sa kalawakan.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council Executive Director BGen. Benito Ramos, magsasagawa ngayon ng pagpupulong ang ilang sangay ng gobyerno na nasa ilalim ng NDRRMC upang muling talakayin ang posibleng epekto at bantang dala ng paglulunsad ng North Korea ng kanilang satellite sa darating na Oktubre 26, 2012.

Sinabi pa ng opisyal na base sa pagtataya ng mga expert mula rin sa mga impormasyong ibinigay ng mga kaalayadong bansa na posibleng may mga debris na bumagsak sa Pacific Ocean partikular sa silangan ng Visayas at Mindanao .

Inaasahan na sa paglulunsad ng Nokor ay may mga debris ng rocket na magdadala ng satellite ng North Korea sa kalawakanang posibleng pumasok sa area ng Pilipinas o mga kalapit bansa.

Ayon kay Ramos kanilang tatalakayin kung kinakailangan pa na muling magpapatupad ng “no-fly zone” at fishing ban sa mga lugar na maaaring posibleng tamaan ng rocket debris gaya ng ginawa nila noong buwan ng Abril ng magsagawa ng kanilang rocket launch ang North Korea.

Matatandaan na naalerto ang bansa sa bantang pagbagsak ng malaking rocket debris noong nabangit na buwan dahilan upang magpatupad ng red alert status ang NDRRMC sa mga posibleng apektadong areas particular na sa silangang Luzon at Visayas .

Subalit gaya ng biro ni Ramos hindi niya alam kung dapat kabahan o maghahanda dahil made in Korea naman umano ito. Una ng pumalpak ang isinagawang paglulunsad ng Nokor matapos bumagsak  ang rocket sa karagatang bahagi ng South Korea ilang minuto lamang matapos ang rocket launch.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply