NDRRMC: Patay kay ‘Ofel’ 4 na

APAT katao na ang patay habang siyam pa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Ofel, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa ulat sa radyo ngayong umaga.

Kabilang sa kaswalidad ay ang isang biktima ng pagkalunod sa Dumanjug, Cebu City. Nadaganan naman ng puno ang isang biktima sa Concepcion, Romblon. Patay naman si Sophia Recto, 88-anyos dahil sa hypothermia sa Torrijos, Marinduque. Isa naman ang naitalang nasawi sa Oriental Mindoro.

Ayon pa sa NDRRMC, na-stranded ang mahigit 13,000 pasahero bunsod ng masamang panahon.

Sa nasabi pang ulat sa radyo, dahil sa hagupit ng bagyo ay matinding binaha ang mga lugar sa Mindoro at Romblon.

Inaalam pa ngayon ang kabuuang pinsala ng bagyong Ofel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply