NDRRMC: Safety plans sa school field trips ilatag

KASUNOD nang pagkamatay ng isang HRM student sa Boracay ay umapela ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga eskuwelahan na magkasa ng mga safety plan sa kanilang school field trips para sa kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos na dapat bumalangkas ang mga opisyal ng mga paaralan ng safety rules upang maiwasan ang kahalintulad na trahedya.

Dapat rin aniyang paalalahanan ang mga estudynate sa panganib na maidudulot ng field trips lalo na’t kung lalangoy sa karagatan o magha-hiking sa kabundukan.

Ayon pa kay Ramos, dapat din na sabihan ang mga estudyante na hanapin ang pinakamalapit na tourist assistance center para sa kaukulang tulong.

Kahapon lamang, nalunod ang HRM student ng Arellano University na si Gino Socito, 20, na sumama lamang sa filed trip sa Boracay. Sa nasabing insidente isang local tourist din ang namatay nang tangkain nitong sagipin ang mga nalulunod na estudyante.

Nabatid na kahit na malaki ang mga alon ay pinayagan ng awtoridad ang mga naturang estudyante na lumangoy sa karagatan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply