NDRRMC: ‘Wag mag-panic sa SoKor rocket launch

HINDI dapat mag-panic ang publiko sa nakatakdang rocket launch ng South Korea (SoKor) sa Oktubre 26, 2012. Ito ang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“We do not need to fear anything as long as we avoid the exclusion zone.” ayon kay NDRRMC executive director Benito Ramos.

Kaugnay nito, nagpatupad ng fishing at flying bans sa mga sumusunod na lugar: Legaspi City; Albay sa Bicol; Samar at Leyte sa Eastern Visayas; at Surigao Del Norte at Sur.

Mahigpit na pinayuhan ni Ramos ang mga mangingisda at residente malapit sa baybayin lalo na sa Bicol, Eastern Visayas regions at Surigao area na huwag munang maglayag sa naturang petsa dahil may posibilidad na bumagsak ang ilang bahagi ng rocket sa karagatan ng Pilipinas.

Nanawagan din ang pamunuan ng NDRRMC sa publiko na huwag maniwala sa mga text message hinggil sa rocket launch ng South Korea (SoKor) na umano’y tatama sa bansa.

Ayon kay Ramos, nais lamang ng mga nagpapakalat ng naturang text message na guluhin ang kaisipan ng publiko at maghasik ng takot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply