Negosyante binoga sa ulo, dedo

PATAY ang isang 38-anyos na negosyanteng ginang matapos na barilin nang malapitan ng hindi nakilalang suspek sa Binondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Mother and Child Hospital ang biktimang si Almira Reyes, may-asawa ng 219 Bagong Pag-asa St., Binondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na armado ng kalibre .45 at tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District (MPD)-Homicde Section, dakong 7:15 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Penaruiba at Del Pan sts., Binondo, Maynila.

Nauna rito, nakatayo ang biktima sa harapan ng isang tindahan habang ang suspek ay nakatayo rin sa kabilang bahagi na tila naghihintay lamang ng pagkakataon.

Ilang sandali pa ay lumapit ang suspek sa biktima at walang sabi-sabing binaril sa ulo.

Matapos ang pamamaril ay kaswal na naglakad papalayo ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa ospital.

Ang nasabing pangyayari ay nakuhanan ng close circuit television (CCTV) camera na nakakabit sa 2nd floor ng barangay hall.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply