Negosyante hinatulang guilty sa tax evasion case

GUILTY ang naging hatol ng Third Division ng Court of Tax Appeal (CTA) kay Wong Tan Tak, ang pangulo ng Pic n Pac Mart Incorporated kaugnay ng kasong tax evasion.

Dahil dito, inatasan ng CTA si Tak na magbayad ng P8 milyon value-added tax (VAT) deficiency sa gobyerno.

Bukod sa pagkakulong ng isang taon, pinagmumulta rin ang negosyante ng P10,000.

Hindi naman kinatigan ng korte ang katuwiran ni Wong na hindi siya nabigyan ng kopya ng ore-assessment notice at final notice of assessment ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kanyang bahay sa Quezon City, dahil doon din naisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply