Negosyante niratrat, anak sagutan

PINANGANGAMBAHANG maputulan ng mga paa ang isang college student na dalaga matapos itong pagraratratin ng dalawang hindi pa nakikilalang riding in tandem ang sinasakyan na minamaneho ng negosyanteng ama  kagabi sa C-4 road, Tonsuya, Malabon City.

Inoobserbahan sa Martinez Hospital si Pamela Rose De Dios y Gatmaitan,18, dalaga, estudyante ng University of the East at residente ng 1218 Interior M. Naval St., Suarez annex Daang Hari, Navotas City.

Ligtas naman ang mga magulang ng biktima na sina Rebeca, 51, at ama nitong si Roberto de Dios, 48, negosyante.

Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalng riding in tandem sakay ng kanilang gate away Honda ERM na hindi na plakahan patungong Navotas City.

Ayon sa ulat, dakong alas 12:05 ng hating gabi ng maganap ang insidente sa kahabaan ng C-4 road Malabon City.

Ayon kay Ferdinand Ampil, hepe ng Malabon police, sakay ng kulay itim na Toyota Innova na may plakang UIS-189 ang pamilya De Dios na mismo minamaneho ng amang si Roberto.

Habang tinatahak ang nasabing lugar, agad itong dinikitan ng mga suspek sa kaliwang bahagi ng sasakyan at agad nagbunot ng kalibre 45 at sunod-sunod na pinaputukan ang nasabing sasakyan subalit tanging si Pamela lamang ang tinamaan kung saan sa ikalawang upuan ito naka-upo.

Nakarekober sa pinangyarihan ang mga awtoridad ng maraming empty shell ng kalibre 45 na ginamit ng mga suspek.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam kung ang mag-asawang negosyante na pawang nakaupo sa unahan ang pakay na ilikida subalit ang anak ang tinamaan.

Nagpalabas ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply