Negosyante niratrat, tigbak

TODAS ang isang babaeng negosyante at presidente ng isang shipping lines matapos itong ratratin ng  hindi pa nakikilalang rideng in tandem habang sakay ng kanyang kotse Biyernes ng gabi, Oct. 5, sa Tullahan Road, Sta. Queteria, Caloocan City.

Dead on Arrival sa Valenzuela General Hospital si Theresa Go, 42 , may asawa, persidente ng Poseidon Shipping Line, residente ng Appleville Subd. Brgy. 162, Sta. Queteria ng nasabing lungsod.

Nadaplisan din sa ulo ang anak ng nasawi na si Charlis Dastin,10, habang nakaligtas naman ang anak nitong binata na si Daryl Edimar, 19.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin sakay ng gate away motorcycle na hindi na plakahan.

Ayon sa ulat, dakong alas 10:00 ng gabi ng maganap ang pananambang sa kahabaan ng Tullahan Road sa nasabing barangay.

Nabatid na minamaneho ng biktima ang kanyang Toyota Fortuner na may plakang ZPM-688 ng biglang dikitan ng mga salarin at agad itong pinagbabaril na agad nitong ikinamatay.

Nakarekober sa pinangyarihan ang mga tauhan ng Scene of Crime Opiratives (SOCO) ng limang basyo ng kalibre 45 na ginamit ng mga salarin.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inalalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply