Negosyante timbog sa shabu

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang businessman sa pag-iingat ng halos P1.5-milyong halaga ng shabu sa Iligan City.

Ayon kay PDEA Director Arturo Cacdac Jr., aabot sa kauuang 46 na sachet ng shabu ang nakuha sa suspek na kinilalang si Abdulmanan Mapandi, 25 taong gulang.

Ayon sa PDEA agents, sinubukan pa ni Mapandi na tumakas nang makita ang checkpoint ngunit maagap na kumilos ang mga atoridad para siya maaresto

Sa ginawang pagrerekisa, nakuha ng mga awtoridad sa isang maliit na cabinet na nasa harapan ng sasakyan ang mga plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sa kasalukyan nasa kustodiya na ng PDEA ang suspek para alamain ang pinagmulan ng droga na hinihinalang ibebenta.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply