Negosyante utas sa carjackers sa Kyusi

TODAS ang isang negosyante ng ratratin ng mga carjacker na tumangay sa kanyang sasakyan sa Quezon City, Martes ng gabi (Oktubre 16).

Dead on the spot ang biktima na si Genisis Olbedencia, 36, businessman at taga-Almar Subdivision, Camarin ng Caloocan City na nagtamo ng tama ng baril sa mukha at likod.

Ayon kay PO1 Romeo Nino ng Quezon City Police District Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong 11:20 ng gabi sa Biliongco St. Don Favian Extension, Barangay Commonwealth, QC.

Papasakay na sana ang biktima sa kanyang bagong Montero ng puwersahang kuhanin ng mga suspek ang sasakyan ng biktima.

Nakatakbo pa ang biktima ngunit pinagbabaril siya ng mga suspek.

Tumakas ang mga suspek lulan ng sasakyan ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply