Negosyante utas sa tarak ng kapitbahay

DEDO ang isang 37-anyos na negosyante nang makipagpambuno sa kanyang kapitbahay sa Tondo, Maynila kagabi.

Namatay habang nilalapatan ng lunas si Sonny Camposano, taga-Nepomoceno St., Tondo, sa Tondo Medical Center na nagtamo ng saksak sa dibdib at katawan.

Inaresto naman sa loob ng nasabi ring ospital ang suspek na si Benedicto Gonzales, 48, walang trabaho ng 245 Paraiso Extension, Tondo na nagtamo rin ng saksak sa ulo at kanang kamay.

Sa report ni PO3 Crispino Ocampo ng Manila Polcie District (MPD)-Homicide Section, dakong 8:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa kanto ng Paraiso ext., at Lacson sts., Tondo.

Nakatayo ang suspek sa harapan ng kanilang bahay nang dumating ang biktima na armado ng patalim at sinugod ang una.

Nakadampot din umano ng patalim ang suspek sa kalapit na tindahan kaya nagpambuno ang dalawa subalit higit na nagtamo ng maraming saksak ang biktima.

Kapwa isinugod sa ospital ang dalawa subalit namatay habang ginagamot ang biktima dahil napuruhan ito sa dibdib.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply