Nene niluray ng manyakis na tatay

KULONG ang isang mister matapos halayin ang sariling anak na nene sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Walang inirekomendang piyansa sa suspek na si Mang Sander, 30 ng Riverside, Tala ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga, natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang maganap ang panghahalay.

Ayon sa ulat, nagising ang biktima nang daklutin ng suspek ang kanyang ari.

Walang nagawa ang bata hanggang sa tuluyang mahalay siya ng suspek at nang matapos ay muling natulog ang bata.

Makalipas ang ilang sandali ay muling ginising ang biktima ng suspek at muling hinalay.

Nagsumbong naman ang bata sa mga kaanak na naging dahilan upang ipadakip ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply