New Zealander dakip sa marijuana sa NAIA

ISANG New Zealander ang inaresto ng mga tauhan ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA 3) matapos mahulihan ng tatlong marijuana stick.

Kinilala Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr. ang nahuli na si Salah Raad Abdulrazzak, 27 anyos, tuboing New Zealand at residente sa No. 10 Angulata Way Canning Vale 6155 Perth, Australia.

Sa ulat patungo sana sa Caticlan, Aklan si Abdulrazzak at pasakay sana ng eroplano bandang alas-3:15 ng gabi ngunit nakita sa final X-ray ang nasabing droga.

Ayon kay Gutierrez nakuha ang marijuana sa pakete ng sigarilyo na nasa bulsa ng short pants ng dayuhan.

Dahil dito nahaharap ngayon ang dayuhan sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II, Republic Act No. 9165.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply