NHA: Wala munang demolisyon sa North Triangle, QC

WALA munang demolisyong magaganap sa North Triangle sa Quezon City. Ito tiniyak ng National Housing Authority matapos ang pakikipagpulong sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon sa NHA, ipagpapatuloy pa rin ng gobyerno ang mapayapang hakbang sa pagkumbinse sa mga residente para lumipat sa kanilang relokasyon.

Pinag-aaralan na rin ng NHA ang karagdagang tulong pinansiyal na ipagkakaloob sa mga informal settler na maililikas mula sa North Triangle na pagtatayuan ng proyekto ng lokal na pamahalaang lungsod at gawing Quezon City Central Business District.

Sa pulong, kabilang sa tinalakay ng magkabilang panig ay ang pagsasaayos ng listahan ng mga nadagdag na residente sa North Triangle upang matukoy ang mga lehitimong informal settler mula sa mahigit 2000 pamilya na nananatili pa rin sa San Roque II.

Ipinaliwanag ni NHA Gen. Manager Atty. Chito Cruz na pinaupahan umano ng ilang residente na nailipat na sa relocation site ang mga barong-barong nila na naiwan sa North Triangle habang ang iba naman ay inihabilin ang bahay sa mga kamag-anakan kung kaya lumobo ang bilang ng mga informal settler sa San Roque II.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply