NIA Antonio Nangel naisakatuparan ang rice sufficiency program

ANG National Irrigation Administration (NIA) ay sangay ng Department of Agriculture (DA). Sa loob lamang ng isang taon, nagbago ang pamumuhay ng mga magsasaka.

Nagkaroon sila ng maganda at paglaki ng ani dahil sa programang patubig ng NIA.

Simula nang naging Administrator ng NIA si Antonio “Tony” Nangel, may 1.5 milyong ektaryang lupang sakahan sa buong bansa ang nalagyan na ng irigasyon o patubig kaya naman matagumpay ang rice sufficiency program dahil sapat ang patubig sa sakahan ng mga  magsasaka.

Ayon sa dating Punong Bayan ng Mulanay, Quezon, “Nagbago ang buhay ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagseguro ng tubig para sa kanilang sakahan na kung minsan ay nakadadalawang ani kung maganda ang ulan.  Marahil kalabisan nang ipaliwanag pa ang kahalagahan ng patubig sa ating magsasaka. Alam natin lahat na sa paglaki ng ani dahil sa patubig, di lang natin sila nabigyan ng magandang ani, binigyan din natin ng pag-asa ang kanilang supling na mag-aaral upang sa pamamagitan ng tumaas na kita, ang kanilang pangarap na makatuklas ng karunungan ay naisatuparan”.

Sa susunod na taon, inaasahang aabot pa sa 1.8 ektarya ng sakahan ang masasakop ng mga irigasyon sa bansa.

Bukod sa patubig, si NIA Administrator Nangel din ang nagpasimuno nang pagpapatayo ng mga minihydro power plant sa mga water dams at irigasyon para makatulong sa pagbibigay ng koryente sa ibang bayan sa ating bansa.

Nagbibigay rin ng malilinis na tubig na maaaring mainom, hindi lamang sa malalapit na probinsya, pati na rin sa malalayong lugar sa bansa.

Sa ilalim din ng pamamahala ni Nangel, siniguro ng NIA na maayos lahat ng dams at irigasyon sa kabila ng mga sakuna na dumaraan sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply