Niña humina habang papalabas ng bansa

HUMINA ang bagyong Nina habang kumikilos ito papalayo sa bansa, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon kay Aldczar Aurelio, weather forecaster ng Pagasa, ang bagyong Nina ay may lakas ng hangin na hindi bababa sa 160 kilometro bawat oras at may bugso ng hangin na mula 170 kilo metro bawat oras hanggang 195 kilometro bawat oras.

Sinabi ni Aurelio ang mata ng bagyong Nina ay namataan sa layong 800 kilometro ng Silangan ng Itbayat, Batanes at kumikilos sa direksyon ng Hilaga silangan sa bilis na 5 kilometro bawat oras.

Ayon kay Aurelio ang bagyong Nina ay  lalabas ng bansa bukas, Lunes o sa Martes patungong  Japan.

Sinabi pa ng Pagasa na wala naman namataan na anumang sama ng panahon sa bansa.

Ayon pa kay Aurelio, ang bagyong Nina  ay hindi  direktang maaapektuhan ang anumang bahagi ng bansa   dahil sa transisyon period mula sa Habagat o Southwest monsoon at Amihan o ang northeast monsoon na  taunang naka position sa buwan ng Oktubre.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply