Nishioka kinakabahan sa kaliwang kamao ni Donaire

ISA sa mga iniingatan ni Japanese challenger Toshiaki “Speed King” Nishioka ay ang left hook ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire.

Ayon kay Nishioka, hindi niya alam kung gagamitin ni unified world super bantamweight champion, Donaire ang pamatay na left hook dahil paiba-iba aniya ang istilo nitong ginagamit sa bawat laban.

Ganumpaman, sinabi ng Japanese superstar na kahit ano pa ang gawing istilo ni Donaire ay nakahanda ito.

Mag-uupakan sina 29-anyos Donaire at 26-anyos Nishioka sa Home Depot Center sa California bukas ng umaga (Oktubre 14, Manila time).

Idedepensa ni Donaire (29-2-0, 18 KOs) ang kanyang mga suot na WBO at IBF super bantamweight titles laban kay Nishioka (39-4-3, 23 KOs) at pag-aagawan din nila ang WBC Diamond super bantamweight crown at ang Ring Magazine belt.

Si Nishioka ay hindi pa natatalo sa loob ng walong taon at sumasakay sa isang 16-fight winning streak sa kasalukuyan habang si Donaire ay pinabagsak ang 18 boksingero sa pamamagitan ng kanyang matulis na left hook.

Hindi napatulog ni Donaire ang tatlong huling nakalaban na sina Omar Narvaez, Wilfredo Vazquez, Jr. at Jeffrey Mathebula matapos magtala ng isang KO win noong Pebrero ng 2011 laban kay dating world champion Fernando Montiel sa second round para agawin sa Mexican ang WBO at WBC bantamweight titles.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply