NLEX, SCTEX, handa na sa Undas

HANDANG-HANDA na ang mga operators ng North Luzon at Subic, Clark-Tarlac Expressways sa pagdagsa ng libu-libong motorista na lalabas ng Metro Manila.

Ang paghahanda ay bilang paggunita sa Todos Los Santos sa Nobyembre 1, at Undas sa Nobyembre 2.

Ayon kay North Luzon Expressway (NLEX) Vice President for Corporate Communications Marlene Ochoa, kabilang sa preparasyon ang deployment ng karagdagang traffic at security personnels, simula Biyernes.

Ang karagdagan security ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pasahero at maiwasan ang pagsikip ng daloy ng trapiko na inaasahang magsisimula sa Oktubre 31.

Inaasahang 3,000-3,500 sasakyan kada oras ang daraan sa NLEX.

Magbubukas naman ng mga manual at counterflow lanes sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) simula Oktubre 31 sa San Miguel, Bulacan at Tarlac exits upang ma-accommodate ang malalaking volume ng mga sasakyan na magtutungo sa mga lalawigan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply