No. 9 most wanted sa Caloocan nalambat

NADAKIP na ang pang-siyam na most wanted ng Caloocan City matapos lusubin ang pinagtataguan nito sa Antipolo City kahapon, Oktubre 19.

Nakilala ang suspek na si Edgar Martizano, nasa hustong gulang ng Tagaytay St., Bo. San Jose ng lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang madakip ang suspek sa Banker’s Village, Antipolo City ng Caloocan City Police sa bisa ng alias warrant of arrest na inilabas ni Judge Dionisio Sison ng RTC Branch 125 sa kasong murder.

Nabatid na nagtago ang suspek nang masangkot sa iba’t ibang kaso na naging dahilan upang mapabilang sa mga pinaghahanap sa lungsod.

Nang malaman ng mga pulis kung saan naglulungga ang suspek ay mabilis na pinuntuhan ito at nadakip.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply