‘No chikungunya outbreak sa Pinas’ – DoH

NILINAW ng Department of Health (DOH) na walang chikunguya outbreak sa bansa.

Ang paglilinaw ay sinabi mismo ni Health Secretary Enrique Ona kasunod ng ulat na marami ang tinatamaan ng naturang dengue-like disease sa Ilocos Sur at Bataan.

Ang chikungunya ay sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok at ang kalimitang tinatamaan ay matatanda, hindi katulad ng dengue na ang mga bata ang higit na naaapektuhan.

Ayon kay Ona, under control naman ang kaso ng chikungunya na naiulat sa Ilocos at Bataan.

Tiniyak din nito na nakaalerto na ang kanilang health personnel para mabigyan ng tulong medikal ang mga biktima.

Ipinaliwanag pa ni Ona na tulad ng dengue ay kalimitan ding mataas ang kaso ng chikungunya sa panahon ng tag-ulan.

At dahil aniya may mga naranasang mga pagbaha sa ilang lugar sa bansa at maraming breeding sites ang lamok, pinapayuhan ni Ona ang publiko na maglinis ng kapaligiran at tiyaking mapuksa ang mga breeding sites ng lamok.

Nauna rito, sinabi ni Albay Governor Joey Salceda na

isang bayan sa Rapu-Rapuin Albay ang nakapagtala ng 83 kaso ng chikungunya.

Karamihan sa mga biktima ay residente ng Barangay San Ramon, Batan,  Albay na nakaranas ng pabalik balik na lagnat, rashes sa katawan at pananakit ng katawan.

Samantala, nilinaw din naman ni Ona na bagamat bago sa pandinig ng publiko ang sakit na chikungunya ay hindi naman ito dapat na katakutan at ang kailangan lamang ay maging handa ang publiko kung paano ito gamutin.

Sinabi rin ng health chief na walang bakuna at gamot para sa chikungunya kung kayat ang kailangan lamang tugunan ay ang sintomas nito.

Nabatid na tulad ng dengue ay dapat iwasan ang dehydration pag tinamaan ng chikungunya at palakasin ang immune system ng pasyente.

Dapat din umanong tiyakin na maraming fluid intake ang mga biktima ng sakit.

Matatandaang una nang sinabi ni Health Assistant Secretary Eric Tayag na taong 1990 pa nang unang magkaroon ng unang kaso ng chikungunya sa Pilipinas.

Gayunman, pailan-ilan lamang ang naitatalang kaso nito at dumami lamang mula noong 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply