No show sa interview, talsik agad sa Senatorial race

POSIBLENG diskuwalipikahin agad ng Commission on Elections (Comelec) o tuluyan nang tanggalin sa listahan ng mga kakandidato sa 2013 senatorial race ang mga naghain ng Certificate of Candidacy (CoC) na ipinatawag nila para kapanayamin ngunit ‘no show’ naman sa pagdinig.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, posibleng madiskuwalipika na agad sa pagsali sa senatorial race ang mga ‘umisnab’ o hindi dumalo sa interview.

Sinabi ni Sarmiento na nabigyan naman nila ng ‘due process’ ang mga ‘no show’ kaya hindi sila maaaring sisihin kung tatanggalin man ang mga pangalan ng mga ito sa listahan.

Iginiit pa nito na para sa kanila ay mahalaga ang pagdalo ng mga naghain ng COC sa hearing dahil dito masusukat ang kapasidad ng mga kumakandidato na sumagot sa mga tanong ukol sa dahilan nila nang pagsabak sa pulitika.

Dalawang araw ang inilaan ng Comelec para kapanayamin ang mga aspiring senatorial candidates na sinimulan kanina at magtatapos bukas, Biyernes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply