No time for love raw si Lovi! (Ayaw ni Ronald Singson!)

FOR the past few months, talagang naging sobrang busy si Lovi Poe sa trabaho. Gustuhin man raw niyang mag-break, hindi niya magawa sa rami ng kanyang kompromiso.

Magkasunod ipinalabas ang mga pelikula niyang Guniguni at Tiktik: The Aswang Chronicles at halos tapos na rin niyang i-shoot ang isa pang pelikula kasama sina Jennylyn Mercado at Paulo Avelino.

“Now naman, I’ll be busy with Yesterday’s Bride,” nakangiting sabi ni Lovi nang makausap namin kamakailan na ang tinutukoy ay ang pinagbibidahang bagong afternoon soap opera ng GMA 7 kung saan leading man niya si Rocco Nacino.

“Iyon muna ang pagtotoonan ko ng concentration. At saka ‘yong tinatapos kong isa pang movie with Jennylyn (Mercado) and Paolo (Avelino).

“So… wala. No break muna!” sabay tawa niya.

“Christmas break na lang. Hintayin ko na lang ‘yon.”

Ano ba ang kanyang plano when Christmas break comes?

“I don’t have any plans yet. Hopefully with my Mom kasi I miss her na.”

Dahil sa career nakatoon ngayon ang kanyang pansin, mukhang pa rin na magka-lovelife si Lovi. Aabot hanggang Pasko na wala pa rin siyang bagong special someone?

“Yes. Masyadong busy ako sa work. Hindi ko na maisingit ang tungkol diyan!” natawang sabi ng aktres.

“Okey lang naman. Happy ako. I don’t feel lonely,” nakangiti pa niyang pahabol.

Sinasabi niyang wala muna siyang time sa lovelife pero may tsismis na may mga nakakita sa kanila ng ex-boyfriend niyang si Ronald Singson sa isang bar sa Tagaytay recently. Nakapula raw siya na gown?
“Yes. Opening ‘yon ng bagong branch ng mga bar na pag-aari nila. So… I’m there to support my friend,” ang dating karelasyon si Ronald Singson ang tinutukoy niya.

Paano ba niya ika-categorize ang samahan nila ngayon?

“Wala. Friendship!” tawa ulit ni Lovi.

Hindi ito nakikipagbalikan sa kanya?

“No. We have no time for this. I have no time for this.

“Uhm… this love thing is not for me now. Parang  I’m too busy nga with work.”

Hindi itinatanggi ni Lovi na regular pa rin ang communication nila ni Ronald. Pero ito ay dahil magkaibigan nga raw sila.

“Oo. Nando’n pa rin naman ‘yong communication. But then, ‘yon nga… wala.”

Pero tila hindi pa rin sumusuko si Ronald kung ang pag-uusapan ay ang posibilidad na magkabalikan sila?

“A… he has his own thing going on rin naman, e. It’s not just him and me.”

Alin kaya ang mas possible… ang magkabalikan sila ni Ronald o ibang guy na ang maging bago niyang pag-ibig?

“Anything is possible. So, ano… I’m not closing my doors naman. If it happens, it will happen naman.

“Pero for now… wala, e. My heart is set to work muna talaga, e.

“Parang ano, e… nakakapagod rin,” napabungisngis na sabi ng dalaga.

Pasok bilang isa sa mga official entries sa nalalapit na Metro Manila Film Festival ang pelikulang Thy Womb na pinagsamahan naman nila ni Nora Aunor.

“It feels really good. We thought kasi hindi iyon papasok, e. And we’re so glad naman na nangyari iyon.

Sa palagay kaya niya, posibleng maging magkalaban sila ng Superstar sa best actress category sa MMFF awards night?

“No!” nangiting reaksiyon ni Lovi. “Simple lang ang character ko sa pelikula, e. Kaya… I’m not looking forward or expecting for something like that.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply