No to watered-down sin tax bill

SIN TAX BILL is Anti-Cancer Tax, ang pangunahing layunin ay para maprotektahan ang ating kalusugan, mabigyan tayo ng magagandang Healthcare lalo na sa mga mahihirap.

Magkakaroon ng makabagong kagamitan ang public hospitals at maililigtas ang mga kabataan sa masamang bisyo.

Ayon kay dating Health Secretary Dr. Esperanza Cabral, mababawasan ang mga bumibili ng sigarilyo lalo na sa kabataan kung mahal na ang presyo ng sigarilyo.

Sinabi pa ni Cabral na sa bersyon ni Santiago, pwedeng maligtas ang 51,000 buhay dahil aabot sa bilang na ito ang mapipilitang huminto sa paninigarilyo.

Nilinaw pa ni Cabral na bilang doktor, hindi nila problema kung saan kukuha ng badyet ang gobyerno ng pera. Ang problema umano nila ay ang mga naninigarilyo at nagkakasakit dahil sa paninigarilyo.

Kung hindi man makalikom ng malaking pera ang gobyerno para gastusin sa mga nagkakasakit ay okay lamang kung mababawasan naman ang bilang ng mga magkakasakit.

Ayon kay Engr. Emer Rojas, ng New Vois Association of the Philippines at isang Global Cancer Ambassador, ang cancer ay walang pinipiling biktima, mayaman man o mahirap maaari itong dumapo ng walang babala.

Ngunit ang cancer at ang mga lung diseases kagaya ng emphysema ay maaaring maiwasan sa pamamagitan lamang ng hindi paninigarilyo. 7.9million katao ang namatay dahil sa cancer sa buong mundo noong taon 2007.

Si Emer Rojas ay isa ring bikitima ng paninigarilyo at nakaranas ng pakikipaglaban sa kamatayan dahil sa cancer. Si Rojas ay hindi na nakapagsasalita ng normal, at gumagamit na lamang ng battery operated electronic larynx or electrolarynx. Ito ang dahilan kaya tinig ng robot ang naririnig mula sa kanya at sana naman wala nang sumunod sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply