North Rizal Water System Project

NOONG September 28, 2012, ang inauguration ng “North Rizal Water System Project” ng Manila Water sa East La Mesa Water Treatment Plant, Payatas Road, Quezon City, magsisimula ng alas nueve ng umaga.

Natunghayan namin ang pagbubukas ng matibay na moog na pinakamalaking proyektong sistemang pantubig na nalikha ng Manila Water na magbibigay ng kasalukuyan at pang habang panahong kapakinabangan para sa mapagkakatiwalaang pangunahing supply ng tubig para sa isang milyong residente ng Rodriguez at San Mateo.

Si Pangulong Benigno S. Aquino III ang panauhing pandangal, kasama rin sina DP-WH Secretary Rogelio L. Singson, MWSS Chairman Ramon B. Alikapala, MWSS Administrator Gerardo A.I. Esquivel, Manila Water Chairman Fernando Zobel de Ayala at Manila Water President and CEO Gerardo C. Ablaza Jr.

***

CAPISTRANO FACILITY ITINAYO SA BARANGAY HAGONOY, TAGUIG

Kinakarkulang may 1.5 milyong residente sa Taguig City ang mabebenipisyuhan mula sa bagong pasilidad pantubig na itinayo ng East zone wa-ter concessionaire Manila Water.

Ito ay bilang tugon sa isang matagal nang pangangailangan sa tubig ng mga taga–Taguig City at mga karatig na lugar.

Ang P500 milyong pisong Capistrano Facility, na matatagpuan sa Barangay Hagonoy, Taguig, at kinabibilangan ng pump station, reservoir, na lilinis sa 10 milyong litro ng tubig sa bawat araw.

Magbibigay rin ito ng malinis na tubig sa may 300,000 libong kabahayan na nakatirik sa mga barangay sa itaas, ibaba at gitnang Bicutan, Bagumbayan at Bagong Tanyag, kapag
ito ay natapos sa July 2013.

Naging panauhin ng inyong lingkod si N. Jeric T. Sevilla, Jr (Head, Corporate Communications) at Jeffrey Ryan Pundanera. Maraming salamat kina Tess Cachero, Karen Diane Llana at Daisy Theresa Galang.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply