Northern Luzon leg sinakop ng Pangasinan

ITINODO ng Pangasinan ang lahat ng lakas sa huling araw upang sikwatin ang overall crown sa Northern Luzon leg ng 2012 POC-PSC Batang Pinoy sa Narciso Ramos Sports Complex kahapon.

Naungusan ng Baguio City sa gold medal tally ang host Pangasinan sa day 3 subalit humarabas ang huli sa karatedo at chess upang makuha ulit ang overall.

May kabuuang 70 gold, 86 silver at 80 bronze medals ang Pangasinan habang laglag sa second place ang Baguio na may nahakot na 65 gold, 56 silver at 48 bronze medals.

Tersero puwesto ang Malolos City bitbit ang 16,11 at10 gold, silver at bronze medals ayon sa pagkakasunod.

Humamig si John Enrico Vasquez ng tatlong gold medals, habang tig-dalawa ang sinungkit nina John Matthew Manantan at Gilbert Arellano para paabutin ang medalyang ginto ng host province sa 15 sa nabanggit na martial art.

Nilito ni Vasquez ang kakuwadrang si Nara­yana Mesina sa boys’ -39kg kumite.

Kuminang din si vasquez sa individual at team kata kasangga sina Arellano at Mesina noong Biyernes.

Nasikwat din ni Arellano ang ginto sa -35kg individual kata.

Hindi pa nasiyahan si Manantan sa kanyang golden feat kata dahil nagdagdag pa ito ng ginto sa tagumpay sa boys’ -63 kumite.

Samantalang ang ibang nag-ambag ng ginto ay sa karatekas ay sina Arianne Isabel Yu Brito (-39kg), Znargie Maye Juguilion (-43kg), Kristelle Ira Zabala (-47kg) at Janna Angeles (-54kg) sa girls division.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply