Not guilty plea ikinasa ni Jun Lozada

NAGPASOK ng not gulity plea ang tinaguriang tinaguriang whistle blower ng NBN ZTE deal na si Rodolfo Jun Lozada Jr.,.kagnay ng dalawang kaso ng katiwalian na isinampa laban sa kanya noong siya’y presidente at CEO  ng Philippine First Corporation.

Isinagawa ang arraignment matapos na hilingin ni Lozada na makalabas ng bansa at makapunta sa Disneyland Hong Kong at Macau sa kanyang pamilya.

Batay sa inihaing mosyon ni Lozada, aalis siya ng bansa sa Nobyembre 1 at babalik sa Nobyembre 4.

Pinayagan namang makalabas ng bansa si Lozada matapos na magbayad ng P180,000 travel bond.

Inatasan din si Lozada na makipagkita sa tanggapan ng clerk of court ng 5th division sa oras na makabalik sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply