Not so young actress na may mga anak na at asawa, ayaw tanggapin ng 3 network!

ITEM 1: Kawawa naman ang not so young actress na may mga anak na at kanyang asawa dahil ayaw na palang i-renew ng GMA7 ang kanyang kontrata. Actually, naging very kontrobersyal 3 to 4 months ago ang mag-asawa dahil sa nangyaring pananakit raw sa isang broadcaster. Karma na yata ‘yun sa nasabing mag-asawa dahil nag-try rin itong bumalik sa rati niyang mother studio na Kapamilya network pero dedma lamang sa kanya ang mga TV executives doon.

Kahit nga sa Kapatid network, nag-a-apply rin yata ang not so young actress na ito pero buong ningning raw siyang tinanggihan. Kung saan-saan na pala inilalako ng aktres ng kanyang serbisyo pero puro pagtanggi na lang ang kanyang tinatanggap at hindi offer or projects.

Paano kasi sobrang nag-prima donna ito nung panahong mabiling-mabili pa siya sa mga TV executives.

Ang kaso, kung ‘di daw late dumating, sobrang maarte pa ito sa set.

Kunsabagay, mabubuhay naman daw ito kahit ‘di magtrabaho dahil ang balita, may dalawang branch raw ito ng Jollibee courtesy of isang bilyonaryo na natsimis sa kanya noon.

***

ITEM 2: And speaking of Lito De Guzman, may bagong female group na naman palang binuo ang kontrobersyal talent manager. Ka-partner raw nito nito ang Galaxy records para sa pagpapasikat ng mga hitad.

Iba ang konsepto ng Batchmate na may ginawang album ngayon sa galaxy record kumpara sa ginawa ni Lito De Guzman na Baywalk Bodies.

Mga sosyal, bagong kolehiyala at galing sa Buena Familya ang bagong Batchmate. Sa audition palang, halos dumaan sa butas ng karayom ang Galaxy records ni sir William. Ang Batchmate, noong nag-audition, hindi sila mga mukhang pokpok or cheapipay. Mga disente silang babae at mga mukang babasaging Kristal. Kahit yung nagko-coach ng kanilang pagkanta at choreographer, galing pa raw sa ibang bansa na kinuha ni sir William para magturo sa kanila. Early November, sinigurado sa ‘min ni sir William na ilo-launch na sa mga entertainment Quest ang Batchmate at ang album nila.

Sana sumikat at makilala rin sa industriya ang mga hitad kahit na pa-wholesome ang packaging sa kanila ni Lito de Guzman at ng Galaxy record.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply