NPC tuloy ang laban sa Maguindanao massacre

KINONDENA ng pamunuan ng National Press Club (NPC) ang usad pagong para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng Maguindanao massacre.

Sinabi ni NPC President Benny Antiporda na napakabagal ng usad ng naturang kaso at nagmistula itong idinadagdag na pang-iinsulto sa mga sugat na natamo ng pamilya ng mga biktima.

Napakadami, aniya, ng testigo subalit wala pa ring development at papalapit na rin ang ikatlong anibersaryo ng kaso.

Aabot sa 198, kabilang ang ilang miyembro ng makapangyarihang Ampatuan clan, ang suspek sa massacre.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply