Nuisance candidates sa Comelec pinaaapela

PINAYUHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga idineklarang nuisance candidates at hindi pinayagang tumakbo sa 2013 midterm polls na sa Korte Suprema na lamang umapela.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., ang kanilang desisyon sa nuisance candidates ay en banc ruling na kaya kung nais iapela ay dapat na iakyat na ang kaso sa Supreme Court.

“It was an en banc ruling…they should go to the SC and wait for the resolution,” paliwanag ni Brillantes.

Matatandaang napaulat na 32 lamang ang senatorial aspirants ang pinayagan ng Comelec na tumakbo sa eleksiyon kaya 52 sa 84 na naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador ang itinuturing ng nuisance.

Isa sa mga diniskuwalipika na ay si Norma Nueva, 75, ay nagtungo sa tanggapan ng Comelec at umapela sa poll body na huwag siyang ikonsiderang nuisance candidate.

Ayon kay Nueva, bagamat una siyang naghain ng certificate of nomination and acceptance (CONA) mula sa Kilusang Bagong Lipunan (KBL) at binawi ito, ay muli naman siyang naghain ng ibang CONA sa ilalim naman ngayon ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka (PMM) party.

Gayunman, sinabi ni Brillantes na ang kanilang ruling ay pinal na at irrevocable.

Hindi rin aniya nila inu-onor ang ikalawang CONA ni Nueva dahil batay sa rules, kapag pinalitan ang CONA ay hindi ikukonsidera ang ikalawang partido.

Kaugnay nito, sinabi ni Nueva na hindi rin niya nagustuhan ang naglabasang ulat hinggil sa kaniya na nagpi-flirt siya kay Brillantes sa isinagawang Comelec hearings.

Ayon kay Nueva, hindi siya nag-flirt kay Brillantes kundi nagkaroon lamang ng ‘very pleasant conversation’ sa Comelec chief.

Nilinaw rin nito na nang sabihin niyang may ‘asim’ pa siya sa panayam, ay hindi nangangahulugan na may kakayahan pa siyang makaakit ng lalaki, kundi may lakas pa siya at kakayahan na makapaglunsad ng malawakang national campaign.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply