NZ maglalaan ng $5-M suporta sa Phl dairy industry

NANGAKO ng $5 million ang New Zealand government para sa development ng dairy industry ng Pilipinas, ayon kay Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala.

Ani Alcala, isa ito sa mga napag-usapan sa expanded bilateral meeting nina Pres. Benigno Simeon Aquino III at Prime Minister John Key kamakailan.

Gagamitin umano ang nasabing pondo sa loob ng limang taon para mapalago ang dairy industry ng Pilipinas.

Handa umano ang New Zealand na maglaan pa ng pondo para sa knowledge and technology sharing para maturuan ang mga Pinoy ng pag-aalaga ng baka at iba pang dairy-producing animals sa Pilipinas.

Liban sa agriculture sector, tinitingnan din ng New Zealand ang paglalagak ng invesment sa ibang sektor ng bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply