OAV registration irerekomendang palalawigin

PLANO ng isang Commission on Elections (Comelec) commissioner na mapalawig ang registration para sa overseas absentee voters (OAV).

Sinabi ni Comelec Commissioner Lucenito Tagle na irerekomenda niya na mabigyan ng ekstensiyon ang OAV registration bunsod na rin ng request na natanggap nila hinggil dito.

Ayon kay Tagle, posibleng isang linggo hanggang 15 araw ang irekomenda niyang ekstensyon ng OAV registration.

Sa kabila naman nito, nilinaw ni Tagle na hindi pa tiyak kung tuloy ang ekstensiyon dahil depende pa rin ito sa mapagkakasunduan sa en banc session sa susunod na linggo.

Kasabay nito, kumpiyansa rin si Tagle na maaabot nila ang target na isang milyong OAV registrants sa pagtatapos ng registration period na ginagawa sa mga tanggapan ng embahada at konsulada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Batay sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa mahigit 900,000 na ang kanilang mga naitalang nagparehistro para sa 2013 midterm elections.

Kung pagbabasehan umano ang rekord sa isinagawang OAV registration noong nakaraang 2010 presidential election ay umaabot lamang sa 235,950 OAV registrants ang nagpatala, na mas mababa kung ikumpara sa 2004 record na may higit 360,000 registrants.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply