Obispo: Mga kandidatong iboboto kilalanin na

DAPAT ngayon pa lamang ay kilalanin na ng mga botante ang mga kandidatong iboboto sa May 2013 midterm elections.

Ito ang payo ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA) chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mga botante upang matiyak umano ng mga ito na maihahalal sa puwesto ang mga karapat-dapat na kandidato.

Ayon kay Pabillo, kailangan na ngayon pa lamang ay alamin na ng mga botante ang track records at pagkatao ng mga kandidato gayundin ang kanilang mga paninindigan at mga adbokasiya sa buhay.

“….sinasabi lagi natin na suriin ang mga kandidato, alamin natin ang kanilang background,ang kanilang track record upang maging maayos ang pagboto,” ayon kay Pabillo, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Umapela rin naman si Pabillo sa mga kandidato na maging responsable, sa pamamagitan nang hindi pagsasagawa ng premature campaigning.

Iginiit ni Pabillo na ang maagang pangangampaniya ay tanda lamang na ngayon pa lang ay hindi na sumusunod ang mga kandidato sa batas, kaya’t hindi aniya dapat na iboto ang mga ito.

Umapela naman si Pabillo sa Commission on Elections (Comelec) na tingnang mabuti at ipatupad ang batas sa tamang pangangampanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply