Obispo sa mga politiko: ‘Wag papansin sa CoC filing

HINDI dapat gamitin ng mga politiko ang paghahain ng certificate of candidacy (CoC) para makuha lamang ang pansin ng media at publiko.

Ito ang iginiit ni Malolos Bishop Jose Oliveros kasunod nang patuloy na pag-arangkada ng paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) na nagsimula nitong Lunes (Oktubre 1) at magtatapos sa Biyernes (Oktubre 5).

Nauna rito, nagmistulang circus ang paghahain ng kandidatura ng mga aspiring candidate sa Comelec dahil sa iba’t ibang gimik tulad nang pagdadala ng mga banda at musiko, na ginawa ng mga ito para lamang mapansin ng media at ng mga botante.

Ikinadismaya naman ito ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. na una nang nanawagan sa mga politiko na huwag gawing ‘circus’ ang aniya’y isang ‘dignified’ na aktibidad.

Ayon kay Oliveros, hindi kailangang gumimik ang mga pulitiko sa simpleng paghahain ng CoC dahil sa bandang huli ay ang kanilang karakter at performance pa rin naman ang higit na batayan sa pagpili ng kandidato.

Pinayuhan pa ng obispo ang mga kandidato na sa halip na gumimik ay mas magandang pairalin na lamang ng mga ito ang pagkakapantay-pantay sa batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply