Obrero pinagtulungan saksakin, patay

TODAS ang isang construction worker matapos itong pagtulungan saksakin ng magkapatid na karpentero matapos magkita sa bagong nilipatang bahay ng biktima sa Bagungbong, Caloocan City.

Hindi na umabot na buhay sa San Lazaro Hospital si Roberto Luyan y Bacas, 35, binata, ng Northville Blk 70 Brgy 171 ng lungsod sanhi ng mga tinamong tusok ng ice pick sa iba’t ibang parte sa katawan.

Arestado ang isa sa salarin na si Ronaldo Rodriguez, 50, may asawa, karpentero habang nakakalaya pa ang nakakabatang kapatid nitong si Jay Ar, 26, na pawang residente ng nasabing lugar.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Joselito L. Bagting, ng Station Investigation Division (SID), dakong alas 6:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa Norville, Caloocan.

Nabatid, dati nang may alitan sina Jay Ar at ang biktima noon sila ay magkapitbahay sa Daang Bakal St., sa Grace Park bago lumipat ng tirahan si Roberto sa Northville.

Base sa pahayag ng mga saksing sina Crisanta Magaway at si Florencio Luyan, kawani ng DSWD ng North Caloocan, bigla na lamang pinagtulungan saksakin ng magkapatid ang biktima.

Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang magkapatid subalit sa isinagawang follow up operation nasakote si Ronaldo habang ang principal suspek na si Jay-Ar ay nakapuga.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply