Occ. Mindoro nilindol; pagyanig naramdaman sa QC, Malabon

NAITALA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang magnitude 4.4 na lindol sa ilang bahagi ng Mamburao, Occidental Mindoro ngayong umaga lamang.

Bandang alas-9:55 nang maitala ang pagyanig na ang sentro ay natunton sa layong 59 kilometro timog-kanluran ng Mamburao na may lalim na 25 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Ayon pa sa Phivolcs, naradaman ang Intensity III sa Batangas City at Pasay City at Intensity II naman sa Quezon City at Malabon City.

Walang naitalang nasaktan o nasirang ari-arian sa nasabing lindol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply