Oct 21, national holiday bilang pagpupugay kay Blessed Calungsod

BILANG pagkilala at pagpupugay sa kanonisasyon ni Blessed Pedro Calungsod ay idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III na National Holiday ang October 21.

Ayon sa Proclamation Number 481, ang National Day ni Calungsod ay pagpapakita ng sagradong pagpapahalaga sa pangalawang Santo ng mga Pinoy.

Nabatid na si Calungsod ay isang binatang Catechist mula sa Visayas at sumama kay Blessed Diego Luis de San Vitores sa Tumhon, Guan Marianas at napatay noong Abril 2, 1672.

Isinagawa ni yumaong Pope John Paul II ang beatification ni Calungsod noong taong 2000.

Inaasahan namang maraming Pinoy ang tutungo sa Vatican sa oras na iproklamang Santo si Calungsod.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply