Oct 26 ideneklarang regular holiday kaugnay ng Eid al-Adha

IDINEKLARA ng Malakanyang na regular holiday ang October 26, araw ng Biyernes para gunitain ang Eidul Adha o Eid-al-Adha ng mga kapatid na Muslim.

Sinabi ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda na gugunitain ang holiday alinsunod sa Republic Act No. 9849 nagsasabing regular holiday kada taon ang naturang pagdiriwang.

“Eidul Adha is one of the two greatest feasts of Islam. The National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) recommended that the observance of Eidul Adha be on 26 October 2012 and the Eidul Adha prayer be performed on the final declaration of the Saudi Government, ”ayon kay Lacierda habang binabasa ang Proclamation 488.

Ang Eid al-Adha o “Feast of the Sacrifice” ay isang mahalagang religious holiday na ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply