Ocular inspection sa bahay ng torture couple inihirit

HINILING ng prosekusyon at Public Attorneys Office (PAO) sa korte sa pamamagitan ng mosyon na makapagsagawa sila ng ocular inspection sa bahay ng binansagang torture couple na sina Reynold at Analiza Marzan.

Nais ng prosekusyon na mapatunayan ang isinawalat ni Bonita Baran, ang kasambahay ng mag-asawang Marzan na ikinukulong siya sa ikalawang palapag ng bahay ng mga ito sa tuwing may mga bisita para maitago ang kanilang pagmamaltrato sa complainant.

Ilalabas naman ni Judge Germano Francisco Legaspi ang kanyang kasagutan sa lalong madaling panahon.

Muli namang itinakda ni Judge Legaspi ang pagdinig sa kasong serious illegal detention laban sa mag-asawang Marzan sa darating na Lunes, Oktubre 15.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply