Office ni Bong sa Senado umusok, mga kawani nabulabog

NAGKAGULO ang mga empleyado sa ilan tanggapan ng Senado nang umusok ang tanggapan dito ni Senator Bong Revilla kaninang umaga.

Sa inisyal na impormasyon ng Senate security, pasado alas-8 umaga nang nagmula ang usok sa opisina ni Revilla sa room 506.

Inaalam pa ngayon ang dahilan ng usok habang wala namang nakitang tao nang mabuksan ang opisina ng senador

Malaki ang hinala ng mga security na nagkaroon ng short circuit ang kawad ng kuryente pero agad itong nawalan ng power bunga ng nakakonektang breaker.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply