OFW binoga habang nagpapahangin, malubha

MALUBHA ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos itong barilin ng dalawang armadong lalaki habang nagpapahangin sa harapan ng kanyang bahay sa Bagumbong, Caloocan City Miyerkules ng gabi.

Inoobserbahan sa Tala Hospital si Salvador Ang, 59, may asawa ng Shelter Village Barangay 171 ng lungsod sanhi ng tinamong tama ng baril sa kanang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang dalawang lalaki na armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa tapat ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay nang lapitan ng dalawang armadong lalaki at pinaputukan sa tagiliran.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa pamamaril.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply